mga tanong at kasagutan
Tulungan nyo ako, hindi ko kagustuhang mabuntis, ano ang maaari kong gawin?
Kung ikaw ay nakatira sa bansa kung saan pinahihintulutan ang ligtas at ligal na pagaaborsyon, mangyaring pumunta sa http://www.womenonwaves.org/article-456-en.html?lang=en
At maaari mong I click kung saang bansa ka naninirahan para makahanap ng mga klinika na maaari mong puntahan.
Kung ikaw ay nakatira sa bansa kung saan walang ligal at ligtas na paraan ng pagaaborsyon , maaaring pumunta sa website na ito http://www.womenonweb.org/. Ang Woman on Web ay isang on-line medical abortion referral service (organisasyon na nagbibibigay ng tulong serbisyo sa mga kababihan na kung saan ang ganitong pamamaraan ng pagpapalaglag ay ipinagbabawal. Sa donasyong 90 euro, makakatanggap ka ng medikal na pang aborsyon sa inyong tahanan (naglalaman ito ng Mifepriston at Misoprostol na masasabing 99% na epektibong paraan ng pag aaborsyon ) sa pamamagitan ng express mail.
Sa ibang mga bansa na kung saan walang paraan para sa ligtas ang ligal na paraan ng pagpapalaglag, may pagkakataong doon ay posibleng mas madaling makakakuha ng gamot na Misoprostol at maaaring sa mas mura pang halaga kumpara sa Woman on Web. Ang paggamit ng misoprostol lamang ay tinatayang 80% na epektibo. Kung ikaw ay desididong isagawa ang pagaaborsyon gamit ang Misoprostol lamang, mangyaring pumunta sa http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills at maingat na sundin ang mga tagubilin.
Kung ikaw ay nakatira malapit sa ibang mga bansa kung saan ang aborsyon ay pinahihintulutan, mas makakabuting ikaw ay mag desisyon na bumiyahe na lamang. Para sa impormasyon sa paglalakbay patungo sa klinika ng pag aaborsyon sa ibang bansa, mangyaring pumunta sa http://www.womenonwaves.org/article-456-en.html?lang=en . Hanapin at i-click ang bansa kung saan ka naninirahan.
Sinubukan ko ang paggamit ng Misoprostol ngunit wala o kahit kaunting pagdurugo ang naganap, naging mabisa kaya ang pag-gagamot?
Kung ikaw hindi parin nakakaranas ng pagdurugo, at ikaw ay nakakasigurong buntis ka parin, samakatuwid ikaw ay maaaring "patuloy na nagbubuntis" o ikaw ay may ectopic pregnancy (pagbubuntis na nagaganap sa labas ng matris). Kinakailangang ikaw ay magpa ultrasound check-up. Maaaari mong sabihin sa doktor na sa tingin mo ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga komplikasyon gaya ng lagnat, pagkahilo at matinding pananakit ng puson, kinakailangan mo ng serbisyong medikal sa lalong madaling panahon dahil maaaring ikaw ay nagkaroon ng ruptured ectopic pregnancy(nawasak na pagbubuntis sa labas ng matris). Kung ikaw ay nakumpirmang may ectopic pregnancy, kinakailangang bigyang lunas ito ng isang doktor. Kailangan niyang tanggalin ang nasa iyong sinapupunan at ang paraang ito ay hindi masasabing aborsyon sa kadahilanang mas kinakailangang maisalba ang buhay ng isang babae.
Kung sa pagpapa-ultrasound ay makita na nagpapatuloy ang pagbubuntis, maaari mong ulitin ang pag-gagamot pagkalipas ng ilang araw. Ayon sa siyentipikong pananaliksik (scientific research) napatunayang gamit ang 4 na tableta ng Misoprostol na kailangang ilagay sa ilalim ng dila at hindi ito kinakailangang lunukin hanggang sa ito’y matunaw, at kinakailangang ulitin muli pagkalipas ng tatlong oras ang paglagay ng apat na tableta ng misoprostol sa ilalim ng dila, at pagkalipas na naman ng tatlong oras ay ilagay ulit ang 4 na tableta sa ilalim ng dila sa ikatlong pagkakataon ang pinakamabisang paraan nang pagpapalaglag. Sa http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills mo mahahanap ang kabuuang detalye ng paraan ng pagsasagawa nito. May mga pangyayaring ang Misoprostol ay hindi muli naging mabisa, sa ibang pagkakataon ito’y 80% lamang na epektibong makapagdudulot ng aborsyon.
Maaari ka ring makapagsagawa nag medikal na aborsyon gamit ang Mifepriston at Misoprostol, ang ganitong pamamaraan ay tinatayang 99% na epektibo. Para sa ganitong paraan, mangyaring pumunta lamang sa http://www.womenonweb.org/, ito ay isang online medical abortion referral service na maaaring makatulong sa iyo na maisagawa ang aborsyong medikal gamit ang Mifepriston at Misoprostol.
Gumamit ako ng Misoprostol, nagkaroon ng kaunting pagdurugo ngunit hindi ganoon ka dami, naging matagumpay kaya ang pagaaborsyon?
Sadyang napakahirap malaman kung ang pagpapalaglag ay naging matugumpay. Upang makasiguro, kinakailangang magpa-ultrasound check-up. Maaari mong sabihing sa tingin mo ikaw ay nakunan sa isang doktor. Maaari ka rin gumamit ng pregnancy test pagkalipas ng tatlong linggo.
Kung mapag alaman mong ikaw ay patuloy na nagbubuntis, maaari mong ulitin ang pag gagamot pagkalipas ng ilang araw. . Ayon sa siyentipikong pananaliksik (scientific research) napatunayang gamit ang 4 na tableta ng Misoprostol na kailangang ilagay sa ilalim ng dila at hindi ito kinakailangang lunukin hanggang sa ito’y matunaw, at kinakailangang ulitin muli pagkalipas ng tatlong oras ang paglagay ng apat na tableta ng misoprostol sa ilalim ng dila, at pagkalipas na naman ng tatlong oras ay ilagay ulit ang 4 na tableta sa ilalim ng dila sa ikatlong pagkakataon ang pinaka mabisang paraan ng pagpapalaglag.
Sa http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills, makikita mo ang buong pamamaraan. Ngunit maaaring hindi ito ulit maging mabisa, sapagkat 80% lamang na epektibo ang kayang idulot nito.
Maaari ka ring makapagsagawa ng tinatawag na medical abortion gamit ang Mifepriston at Misoprostol, ang ganitong paraan ay tinatayang 99% epektibo. Para sa ganitong pamamaraan, mangyaring pumunta sa www.womenonweb.org ito ay isang on-line medical abortion referral service na makatutulong sa iyo na makapagsagawa ng aborsyong medikal gamit ang Mifepriston at Misoprostol.
Pagkatapos ko gamiting ang unang dosage ng Misoprostol ay nagsimula agad ang pagdurugo, kinakailangan ko parin bang ipagpatuloy ang paggamit ng ikalawa at ikatlong dosage?
Oo, kinakailangan paring ipagpatuloy mo ang pag gamit ng ikalawa at ikatlong dosage sa kabila ng pagdurugo. Napatunayan sa scientific research na ang ikalawa at ikatlong dosage ay nakakapag pataas ng bisa ng at epekto ng pag gagamot at nakapag pababa ng bilang ng porsyento ng hindi tagumpay na pag aaborsyon ang halimbawa ay (may mga natitirang mga laman sa matris kung saan kinakailangan mong mag pa follow-up check-up). Kung matagumpay ang pag aaborsyon, makakaranas ka ng mas kaunting pananakit kaysa sa unang pag kakataon na ginamit mo ang Misoprostol.
Upang makasiguro na tagumpay ang pag gagamot, maaari kang pumunta sa isang ospital para makapagsagawa ng ultrasound check-up.
Sa mga bansa kung saan ang isang babae ay maaaring hatulan dahil sa pagpapalaglag, hindi kinakailangang aminin sa isang medical staff na sinubukan mong magsagawa ng pag-aaborsyon, maaari mong sabihin na ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Hindi makikita ng isang doktor ang pagkakaiba. Ang pag-gagamot sa iyo ay magkapareho.
Kung ang pag-aaborsyon ay hindi kumpletong naisagawa, baka sakaling kailanganin mo ng curettage, nakilala din sa tawag na vacuum aspiration, kung saan tatanggalin ng isang doktor ang mga natitirang himaymay sa loob ng matris. Obligasyon ng isang doktor na tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Gumamit ako ng Misoprostol, ang pag durugo ay kapareho ng buwanang regla, kinakailangan ko bang pumunta sa ospital?
Hindi mo kinakailangang pumunta sa ospital, ngunit kinakailangan mong magpa ultrasound check-up o magsagawa ng pregnancy test pagkalipas ng tatlong linggo upang makasiguro na tagumpay na naisagawa ang pag aaborsyon.
Maaari mong sabihin na sa tingin mo ikaw ay nakunan. Kung nilagay mo ang tableta sa iyong puwerta, kinakailangan mong suriing mabuti gamit ang iyong daliri papasok sa puwerta upang makasiguro na nalusaw lahat ng tableta. Kung maaari, mas makabubuting mag antay muna ng ilang araw , dahil ang mga tableta ay hindi agad nalulusaw sa loob ng puwerta. Kung makakita ng natitirang tableta ang isang doktormay pag kakataong siya ay magsumbong sa pulisya. Samantalang kung inilagay mo ang mga tableta sa ilalim ng dila, wala kang pangamba na maaaring may natirang bahid o kaunting parte ng tableta.
Sa mga bansa kung saan ang isang babae ay maaaring hatulan dahil sa pagpapalaglag, hindi kinakailangang aminin sa isang medical staff na sinubukan mong magsagawa ng pag-aaborsyon, maaari mong sabihin na ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Hindi makikita ng isang doktor ang pagkakaiba hindi bale na lang kung may natirang parte ng tableta sa loob ng iyong matris.
Kung ang pag-aaborsyon ay hindi kumpletong naisagawa, baka sakaling kailanganin mo ng curettage, nakilala din sa tawag na vacuum aspiration, kung saan tatanggalin ng isang doktor ang mga natitirang himaymay sa loob ng matris. Obligasyon ng isang doktor na tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Gumamit na ako ng Misoprostol, ngunit positibo ang naging resulta ng pregnancy test, ano ang maaari kong gawin?
Minsan, positibo parin ang nagiging resulta ng pregnancy test pagkalipas ng ika-tatlo at ika-apat na linggo pagkatapos ng pag aaborsyon dahil ang hormones ay nasa dugo parin. Ang natatanging paraan para makasiguro kung ikaw ay nagbubuntis parin o hindi na ay sa pagpapa-ultrasound check up lamang. Kung iyan ay imposibleng maisagawa, pinapayuhan naming ulitin mo ang pregnancy test pagkalipas ng ika-una at ikalawang linggo. Ang pagdurugo ay hindi sapat na batayan upang makasiguro na ang pagpapalaglag ay tagumpay na naisagawa, kaya napaka importante ang patuloy na pagsusuri sa posibilidad ng patuloy na pagbubuntis sa pamamagitan ng pregnancy test at ultrasound check-up. Kung ikaw ay patuloy na nagbubuntis (ngunit kinakailangang hindi lalagpas sa ika-siyam na linggo ng pagbubuntis), maaari mong ulitin muli ang pamamaraan gamit ang Misoprostol (80% epektibo)(para Makita ang kabuuhang pamamaraan http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills (“Paano ko maisasagawa ang aborsyon (pagpapalaglag) gamit lamang ang tableta?")
Maaari ka rin magsagawa ng aborsyong medikal gamit ang Mifeperiston at Misoprostol (99% epektibo). Mangyaring pumunta sa http://www.womenonweb.org/. Ang Woman on Web ay isang on-line medical abortion referral service (organisasyon na nagbibibigay ng tulong serbisyo sa mga kababihan na kung saan ang ganitong pamamaraan ng pagpapalaglag ay ipinagbabawal.
Gaano katagal bago magkaroon ng epekto ang Misoprostol at gaano katagal bago mawala ang mararanasan kong mga sintomas (pananakit ng puson, pagkahilo, pagdurugo atbp.?
Kalimitan, ang misoprostol ay umiepekto pagkalipas ng apat na oras, at makakaranas ka ng pananakit at pagdurugo. Ang mga sintomas (pananakit, pagdurugo, pagkahilo, pagtatae, at marami pang iba.) ito’y mararanasan sa loob ng labindalawang oras, at inaasahang mawawala pag nakumpleto na ang pag aaboryon. (para sa kabuuhang pamamaraan http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills).
Kung ikaw ay patuloy na nakakaranas ng walang tigil na pagdurugo na hindi normal ang dami at matindi pa sa normal na buwanang regla, pananakit ng puson na hindi nawawala pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng pag gamit ng misoprostol, matinding pananakit na parang pinupullikat, lagnat, patuloy na pagdurugo pagkalipas ng tatlong linggo, o nasasaktan kapag pinipindot mo ang iyong puson, posibleng hindi nakumpleto ang aborsyon. Kung ikaw ay nakakaraas ng mga nasabing sintomas, kinakailangan mong pumunta sa isang ospital at makipagkita sa isang doktor para maipagpatuloy ang aborsyon. Ito ay kinakailangan gawin sapagkat ang mga natirang himaymay o laman at dugo sa loob ng matris ay nagiging sanhi ng matinding pagdurugo at impeksyon. Ang pag-gagamot sa hindi tagumpay na pag aaborsyon ay ligal kahit saan mang bansa.
Sa mga bansa kung saan ang isang babae ay maaaring hatulan dahil sa pagpapalaglag, hindi kinakailangang aminin sa isang medical staff na sinubukan mong magsagawa ng pag-aaborsyon, maaari mong sabihin na ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Walang klase ng pagsusuri ang makapagsasabi na ang isang babae ay sumubok na magsagawa ng aborsyon gamit ang medikal. Napaka importanteng mabigyang lunas ang hindi nakumpletong pagaaborsyon. Ang tawag sa uri ng paggagamot sa hindi nakumpletong pagpapalaglag ay vacuum aspiration, o “curettage”. Ang kahit ano mang klinika na nakakapagbibigay ng lunas upang matulungan ang mga kababaihan na nakunan, ay kaya ring makatulong sa mga kababaihan na nagkaroon ng hindi kompletong pag aaborsyon dahil ang sintomas ay magkatulad lamang.
Pagkatapos ko gamitin ang misoprostol pagkalipas ng ilang araw, nakakaranas parin ako ng matinding pananakit, normal lamang ba ito?
Kung naging matagumpay ang paggagamot , inaasahang ikaw ay hindi na nakakaranas ng ano mang sakit, ngunit inaasahan na patuloy ang pagdurugo. Ang matinding pananakit pagkalipas ng ilang araw ay nagpapakita na ang matris ay hindi lubusang malinis at wala nang laman, ang ibig sabihin ay hindi tagumpay na naganap ang pagaaborsyon. Ang tanging paraan para makumpirma ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-ultrasound check-up. Napaka importanteng malinis ang sinapupunan ng isang babae, upang maiwasan din ang impeksyon. Kaya pinapayuhan namin na magpa ultrasound check-up sa lalong madaling panahon upang masuri kung ang sinapupunan ay wala ng laman.
Kung nilagay mo ang tableta sa iyong puwerta, kinakailangan mong suriing mabuti gamit ang iyong daliri papasok sa puwerta upang makasiguro na nalusaw lahat ng tableta. Kung maaari, mas makabubuting mag antay muna ng ilang araw , dahil ang mga tableta ay hindi agad nalulusaw sa loob ng puwerta. May pag kakataong magsumbong sa pulisya ang isang doktor kung makakita siya natitirang tableta. Sa mga bansa kung saan ang isang babae ay maaaring hatulan dahil sa pagpapalaglag, hindi kinakailangang aminin sa isang medical staff na sinubukan mong magsagawa ng pag-aaborsyon, maaari mong sabihin na ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Hindi makikita ng isang doktor ang pagkakaiba maliban na lamng kung may natirang tableta sa loob ng puwerta.Ang pag-gagamot sa iyo ay magkapareho.
Kung ang pag-aaborsyon ay hindi kumpletong naisagawa, baka sakaling kakailanganin mo ng curettage, nakilala din sa tawag na vacuum aspiration, kung saan tatanggalin ng isang doktor ang mga natitirang himaymay sa loob ng matris. Obligasyon ng isang doktor na tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Mayroon kaya akong impeksyon?
Ang lagnat ay nagpapatunay na ikaw ay may impeksyon. Kung ikaw ay nilalagnat, pinapayuhan naming ikaw ay makipagkita sa isang doktor sa lalong madaling panahon. Napaka importante rin na ikaw ay magpa-ultrasound check-up upang makasiguro na matugumpay na naisagawa ang pagpapalaglag at wala ng laman ang sinapupunan ng isang babae. Ang impeksyon ay ginagamot ng isang doktor gamit ang antibiotics.
Ang panlalamig at pagtaas at pagbaba ng temperatura ng katawan ay normal lamang na epekto ng Misoprostol . Gayunman, kung ikaw ay may lagnat na (> 38 degrees Celsius) sa loob ng mahigit 24 oras, o kung ikaw ay may lagnat na 39 degrees, makipag ugnayan sa isang doktor, dahil maaaring ikaw ay may impeksyon na sanhi ng hindi kompletong pag aaborsyon na kinakailangang mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng (antibiotics at/o vacuum aspiration).
Ano ang mga maaaring maging panganib?
Maraming iligal na aborsyon ang naisasagawa ng hindi ligtas at naisasagawa ng walang sapat na kaalaman at sa hindi tamang pamamaraan, na nakapagdudulot ng pakakaroon ng impeksyon at komplikasyon. Dahil sa karamihan ng mga kababaihan ay natatakot sumubok na pumunta sa ospital, kalimitan ay huli na upang ang impeksyon ay mabigyang lunas.
Samakatuwid, napakahalagang sunding maigi ang mga paraan at humingi ng payong medikal sa lalong madaling panahon kung sakaling makaranas ng mga sumusunod
Matinding pagdurugo
Sintomas: matinding pagdurugo na tumatagal ng mahigit sa dalawang magkakasunod na oras at nakakapagpababad ng 2 sanitary napkin bawat oras. Pagkahilo o ang pakiramdam na lumulutang ay senyales ng matinding pagkawala ng dugo. Ito ay lubhang mapanganib sa iyong kalusugan kaya’t kinakailangan mong mabigyan ng karampatang lunas.
Panlunas : ang vacuum aspiration (curettage)
Hindi kumpletong aborsyon:
Sintomas: tuloy tuloy na matinding pagdurugo at malubhang pananakit na parang pinupulikat
Panlunas ; ang vacuum aspiration (curettage)
Impeksyon
Sintomas ; kung ikaw ay may lagnat na (mahigit sa 38 degree celsius,) sa loob ng mahigit 24 oras, o ikaw ay may lagnat na 39 degrees, posibleng nagkaroon ng impeksyon at iyan ay kailangang agad na maipagamot.
Panlunas:
antibiotics at vacuum aspiration.
Kung sa tingin mong nagkaroon ng komplikasyon,kinakailangan mong pumunta sa isang doktor. Kung ikaw ay nakatira sa bansa kung saan ang isang babae ay maaaring hatulan dahil sa pagpapalaglag, hindi kinakailangang aminin sa isang medical staff na sinubukan mong magsagawa ng pag-aaborsyon, maaari mong sabihin na ikaw ay hindi sinasadyang nakunan. Hindi makikita ng isang doktor ang pagkakaiba. Ang pag-gagamot sa iyo ay magkapareho. Obligasyon ng isang doktor na tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Ang mga sintomas ay tiyak na magkapareho, at walang pamamaraan kung saan makikita o mapapatunayan ng isang isang doktor na sinubukan mong magpalaglag, basta’t siguruhin mong lahat ng tableta ay nalusaw. Kung ang tableta at inilagay mo sa iyong puwerta, kinakailangan mong suriing mabuti ito gamit ang iyong mga daliri upang makasiguro na lahat ng tableta ay maiging nalusaw. Ang bakas ng mga tableta na inilagay sa loob ng puwerta ay maaaring makita hanggang sa ika-apat na araw mula ng pag lagay nito.
Mahigit siyam na linggo na akong buntis. Maaari parin ba akong gumamit ng Misoprostol?
Nagkakaroon parin ng bisa ang Misoprostol kahit pagkalipas ng mahigit sa ika-siyam na linggo ng pagbubuntis, ngunit ang posibilidad nang pagkakaroon ng komplikasyon ay lalong tumataas habang ang pagbubuntis ay lalong tumatagal. Apat hanggang walong porsyento (4%-8%) ng mga kababaihan na nasaloob na ng ika second trimester (mahigit 12 linggo nang buntis) na sumubok na wakasan na ang kanilang pag bubuntis gaya ng nakasulat sa ibaba ang nakaranas ng malubhang pagdurugo. Samakatuwid , lubos naming pinapayo na gamitin ang gamot sa waiting room ng isang ospital, o isang lugar na malapit sa ospital. Nang sa gayon man ay mabilis ka lang makakahingi ng tulong medikal. Ang mga sintomas ay tiyak na katulad lamang na kung ikaw ay nakunan.
Kung sakaling kailanganin mo ng di inaasahang tulong mula sa isang ospital, napaka importanteng sabihin mo sa isang doktor na ikaw ay di inaasahang nakunan, dahil may mga pagkakataong ang isang babae ay maaaaring hatulan dahil sa pagsasagawa ng aborsyon, ang sintomas at paglulunas ay magkapareho lamang.
Hindi ito dapat ginagawa ng nag iisa, kailangang may kasama.
Kung ang isang babae ay hindi lalagpas sa ika-labindalawang linggo ng pag bubuntis, maaari siyang maglagay ng apat na tableta ng 200 micrograms (may total na 800mcg) ng Misoprostol sa ilalim ng dila. Bawal lunukin!! Pagkalipas ulit ng tatlong oras ay maglagay ulit ng apat na misoprostol sa ilalim ng dila , bawal lunukin!! At pagkalipas ulit ng tatlong oras ay maglagay ulit ng apat na Misoprostol sa ilalim ng dila sa ikatlong pagkakataon. huwag lunukin!!
Kung ikaw ay nasa ika-13-20 linggo na ng pagbubuntis, maaari mo paring gamitin ang misoprostol sa pagaaborsyon.
Ang isang babae ay kinakailangang gumamit ng 2 tableta na may tig 200mcg bawat isang tableta (may total na 400mcg ang dalawa) maaaring sa paraan ng paglagay sa loob ng ari ng isang babae, o paglagay sa ilalim ng dila bawat paglipas ng ikatlong oras. Ibig sabihin ay uulitin mo ang pag gamit ng tableta ng limang beses (may total na 10 tableta). Sinasabing ang paraan ng pagpasok ari ay mas mabisa ng kaunting porsyento, ngunit kung ikaw ay pupunta sa isang doktor kinakailangan mong gamitin ang iyong daliri para matanggal ang lahat ng bahid na maaaring maiwan dahil sa paggamit ng tableta. Kaya kalimitan, mas pinipili ng karamihan na ilagay na lamang sa ilalim ng dila ang tableta upang makaiwas sa problemang ligal.
Pagkalipas ng 24 oras, ang ganitong pamamaraan ay humigit kumulang na walumpong porsyento nang (80%) umiepekto. May mga pagkakataon lamang na mas matindi ang pananakit at pagdurugo na mararanasan kung kaya’t pinapayo na gamitin ang tableta sa waiting room ng isang ospital o isang kainan na malapit dito. Tandaan na matatanggalan ka ng laman , dugo, at fetus (ang laki ay depende sa tagal ng pag bubuntis) na pwede mong maalala, at ito ay maaaring nakakatakot na karanasan, kung kaya’t lubos naming pinapayo na huwag magsagawa ng aborsyon kung ikaw ay nasa mahigit ika-labinlimang linggo na nang pagbubuntis, maliban sa mataas na posibilidad na magkaroon ng komplikasyon, ngunit sa kadahilanang ito’y nakakatakot na karanasan. Ang sakit na maaaring maranasan ay kagaya ng nararanasan ng isang babae na nag li-labor.
Gaano lang dapat katagal ang aking pagbubuntis upang maisagawa ko ang pagpapalaglag gamit ang Misoprostol?
Hindi na maaaring gamitin ang Misoprostol kung ikaw ay mahigit dalawampung linggo nang buntis sa kadahilanang kung nasa mahigit 20 linggo na ang fetus, siya ay may kakayahan nang mabuhay sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina. Kayat kung ikaw ay gumamit ng Misoprostol sa ganyan katagal na panahon ng pagbubuntis, maaaring magresulta ito ng paglabas ng isang buhay na sanggol.
Kahit sinasabing ang Misoprostol ay epektibo parin hanggang sa matagal na panahon ng pagbubuntis, ang panganib na makaranas ng mga komplikasyon ay lalong tumataas. Ikaw ay pinapayung maigi na huwag isagawa ng nag-iisa ang pagpapalaglag pagkalipas ng ika labinlimang linggo ng pagbubuntis dahil sa mataas na panganib ng komplikasyon na maaaring maranasan at dahil itoy maaaring maging pinaka masakit na karanasan. Iyan ay maaaring maging sanhi ng kapanganakan ng wala sa oras kaya kinakailangang isagawa ito malapit sa isang ospital. Apat hanggang walong porsyento (4%-8%) ng mga kababaihan na nasaloob na ng ika second trimester (mahigit 12 linggo nang buntis) na sumubok na wakasan na ang kanilang pag bubuntis gaya ng nakasulat sa ibaba ay nakaranas ng malubhang pagdurugo. Samakatuwid , lubos naming pinapayo na gamitin ang gamot sa waiting room ng isang ospital, o isang lugar na malapit sa ospital. Nang sa gayon man ay mabilis ka lang makakahingi ng tulong medikal. Ang mga sintomas ay tiyak na katulad lamang na kung ikaw ay nakunan.
Kung sakaling kailanganin mo ng di inaasahang tulong mula sa isang ospital, napaka importanteng sabihin mo sa isang doktor na ikaw ay di inaasahang nakunan, dahil may mga pagkakataong ang isang babae ay maaaaring hatulan dahil sa pagsasagawa ng aborsyon, ang sintomas at paglulunas ay magkapareho lamang.
Hindi ito maaaring isagawa ng nag-iisa.
Hanggang sa ika labin-dalawang lingo ng pagbubuntis, ang isang babae ay maaaring gumamit ng 4 na tableta ng Misoprostol na kailangang ilagay sa ilalim ng dila at hindi ito kinakailangang lunukin hanggang sa ito’y matunaw, at kinakailangang ulitin muli pagkalipas ng tatlong oras ang paglagay ng apat na tableta ng misoprostol sa ilalim ng dila, at pagkalipas na naman ng tatlong oras ay ilagay ulit ang 4 na tableta sa ilalim ng dila sa ikatlong pagkakataon. BAWAL LUNUKIN!
Kung ikaw ay nasa ika-labin tatlo hanggang ika dalawampung linggo na ng pagbubuntis, maaari ka pa rin gumamit ng Misoprostol para isagawa ang pag aaborsyon. Ang isang babae ay kinakailangang gumamit ng dalawang tableta ng Misoprostol na naglalaman ng 200mcg bawat isang tableta (may total na 400 mcg), maaaring ilagay sa loob ng ari, o ilagay sa ilalim ng dila bawat paglipas ng tatlong oras na uulitin sa ikalimang pagkakataon.(5 doses o sampung tableta.) kung ilalagay mo ang tableta sa loob ng iyong ari, sinasabing ang ganyang paraan ay mas epektibo ng kaunti, ngunit kung kakailanganin mong pumunta sa isang doktor, kailangan mong gamitin ang iyong mga daliri para tanggalin ang mga natitirang bakas naposibleng natira sa loob ng iyong sinapupunan. Maaari mong gustuhing ilagay na lamang sa ilalim ng iyong dila ang mga tableta para umiwas sa pag-aalala na magkaroon pa ng problemang ligal.
Pagkalipas ng 24 oras, ang ganitong pamamaraan ay humigit kumulang na walumpong porsyentong (80%) epektibo. May mga pagkakataon lamang na mas matindi ang pananakit at pagdurugo na mararanasan kung kaya’t pinapayo na gamitin ang tableta sa waiting room ng isang ospital o isang kainan na malapit dito. Tandaan na matatanggalan ka ng laman , dugo, at fetus (ang laki ay depende sa tagal ng pag bubuntis) na pwede mong maalala, at ito ay maaaring nakakatakot na karanasan, kung kaya’t lubos naming pinapayo na huwag magsagawa ng aborsyon kung ikaw ay nasa mahigit ika-labinlimang linggo na nang pagbubuntis, maliban sa mataas na posibilidad na magkaroon ng komplikasyon, ngunit sa kadahilanang ito’y nakakatakot na karanasan. Ang sakit na maaaring maranasan ay kagaya ng nararanasan ng isang babae na nag li-labor.
Saan ako maaaring makakuha ng Misoprostol?
Imbes na gumamit ng Misoprostol lamang, mas epektibong isagawa ang aborsyong medikal gamit ang kombinasyon ng Mifepriston at Misoprostol, ang nasabing mga gamot ay maaaring makamit mula sa Woman on Web (i-click ang http://www.womenonweb.org/ at pwede kang magsagawa ang online na konsultasyon.)
Gayunman, maaaring makakuha ng Misoprostol sa ibang mga bansa sa mas murang halaga kaysa woman on web.
Ang mga brand names para sa Misoprostol ay:
-Cytotec (200µg Misoprostol)
- Cyprostol
- Misotrol
- Gymiso® - 200mcg tablets,
- Prostokos® - 25mcg vaginal tablets,
- Vagiprost® - 25mcg vaginal tablets
Ang mga tableta na naglalaman ng 200mcg ng Misoprostol ay:
- Arthrotec 50 or 75
- Oxaprost 50 or 75
Minsan, ibinebenta ito kahit walang reseta galing sa isang doktor, ngunit minsan naman ay kailangan. Ang pagbili ng Arthrotec at Oxaprost ay kalimitan hindi hinahanapan ng reseta.
Ang Misoprostol ay ginagamit upang makaiwas sa gastric ulcer.
Ang Cytotec at Ccyprostol o Misotrol ay mga brand names ng Misoprostol. Ang Arthrotec at Oxaprost ay naglalaman ng Misoprostol at Diclofenac na nakakatanggal ng pananakit o painkiller. Ito ay panlaban sa pananakit ng mga kasu-kasuan , rayuma at arthritis. Ang Arthrotec ay kalimitang mas mahal kaysa Cytotec.
Upang makakuha ng mga gamot na ito, maaari mong sabihin na ang iyong lola ay may malubhang rheumatoid arthritis at siya ay dumaranas ng matinding pananakit ngunit nakalimutan niya ang kanyang gamot at siya ay bumibisita lamang sa iyo. Pwede mong idahilan na wala kayong sapat na pera para pumunta pa sa isang doktor upang makahingi ng reseta o sabihin mong ang doktor ay nakabakasyon.
Kung mahirapan kang kumuha ng gantong tableta sa botika, subukan mo ulit sa iba o subukan mong ipabili ito sa lalakeng kaibigan o sa iyong partner dahil maaaring mas kaunti ang pagkakataon na magkaroon ng problema para sa kanila ang pagbili nito. O marahil makahanap ka ng isang doktor na gustong magbigay ng reseta. Karaniwan mas madaling makakabili ng ganitong uri ng gamot sa mga maliliit na botika kaysa malalaki at sikat ng botika. Maaaring makabili ng Misoprostol sa internet.
Minsan, maaari mong mabili ang cytotec sa black-market (lugar kung saan maaaring makabili ng marijuana), gayunman siguraduhin mong ito ay tunay na misoprostol at hindi peke o karaniwang tableta lamang. Kinakailangang bumili ng mahigit kumulang sa 12 tableta ng 200mcg ng Misoprostol . Ang isang tableta ng Cytotec o Arthrotec ay kinakailangang naglalaman ng 200 micrograms ng Misoprostol. Tingnang maigi ang dosage ng misoprostol sa paketa, karaniwan ang mga tableta ang naglalaman ng 200mcg ngunit may pag kakataong may ibang tableta din na naglalaman ng ibang dosage. Kung ang tableta ay hindi nag lalaman ng 200mcg kinakailangang kalkulahin o recalculate ang bilang ng tableta (kinakailangang 2400 mcg ang kabuuhang dosage) upang makatiyak ng parehong dosage ng misoprostol ang magamit.
Hindi ako makakuha ng Misoprostol? Pwede nyo bang ipadala yan sa akin? Kung ikaw ay nakatira sa bansa kung saan walang paraan para isagawa ang ligtas at ligal na pagaaborsyon, maaari kang:
- Pumunta sa http://www.womenonweb.org/. Isang online referral service na nagbibigay tulong para sa maga kababaihan kung saan ang pagsasagawa ng ganitong paraan ng pagpapalaglag ay ipinagbabawal. Sa donasyong 90 euro, makakatanggap ka ng gamot na pampalaglag (Mifepriston at Misoprostol na 99% epektibong makapagdudulot nang tagumpay na pagaaborsyon tagumpay na makakapagdulot ng aborsyon)
- Kung ikaw ay nakatira malapit sa ibang mga bansa kung saan ipinahihintulot ang pagpapalaglag, mas makabubuting mag desisyon ka na bumiyahe na lamang. Para sa impormasyon paano pumunta sa mga klinika na nagsasagawa ng aborsyon sa ibang mga bansa, I click lamang ang bansa kung saan ka nakatira http://www.womenonwaves.org/tl/map/country
Saan ako makakabili ng tableta na pampalaglag (RU 486, mifepriston, mifeprex, mifegyne)?
RU486, (mga pampalaglag na tableta, Mifepriston, Mifegyne, Mifeprex) ay minsan naka rehistro sa ibang mga bansa ngunit hindi mabibili sa mga botika o parmasiya. Huwag bumili ng kahit anong gamot mula sa “Abortion-pill-online.com. Ang mga gamot ay hindi tunay na Mifepriston, Mifegyne, Mifeprex o RU846 tulad nang kanilang sinasabi. Ang Woman on Waves ay bumili ng mga gamot galing sa kanila, pagkatapos ay sinuring mabuti at pinag-aralan ang mga gamot na binili at napagalaman na ang mga ito’y hindi naglalaman ng Mifepriston!!!
Kung ikaw ay nakatira sa bansa kung saan may serbisyo para sa ligal at ligtas na pagpapalaglag, mangyaring i-click lamang ang bansa kung saan ka naninirahan at hanapin ang mga listahan ng mga klinika sa http://www.womenonwaves.org/article-456-en.html?lang=en.
- Pumunta sa http://www.womenonweb.org/. Isang online referral service na nagbibigay tulong para sa maga kababaihan kung saan ang pagsasagawa ng ganitong paraan ng pagpapalaglag ay ipinagbabawal. Sa donasyong 90 euro, makakatanggap ka ng gamot na pampalaglag (Mifepriston at Misoprostol na 99% epektibo na tagumpay na makakapagdulot ng aborsyon) sa iyong tahanan,
- Sa ibang mga bansa , maaari kang makabili ng Misoprostol sa mas murang halaga kaysa Woman on Web. Ang pag-gamit ng misoprostol lamang ay 80% lamang na epektibo. Para magsagawa ng pag aaborsyon sundin lamang ang mga sumusunod na paraan http://www.womenonwaves.org/tl/page/702/how-to-do-an-abortion-with-pills
- Kung ikaw ay nakatira malapit sa ibang mga bansa kung saan ipinahihintulot ang pagpapalaglag, mas makabubuting mag desisyon ka na bumiyahe na lamang. Para sa impormasyon paano pumunta sa mga klinika na nagsasagawa ng aborsyon sa ibang mga bansa, I click lamang ang bansa kung saan ka nakatira http://www.womenonwaves.org/article-456-en.html.
Ano ang Methotrexate?
Ang Methotrexate ay maaaring gamitin katambal ang Misoprostol para maisagawa ang pagpapalaglag. Pagkalipas ng tatlo hanggang pitong araw na ginamit ang methotrexate, kinakailangan mong ilagay ang misoprostol sa pinakaloob ng iyong puwerta. Samantalang ang mifepriston (the abortion pill) ay mas epektibo, at mas kaunti ang maidudulot na side effects kaysa methotrexate. Kung ang isang babae ay may karapatang mamili, mas nakabubuting piliin ang Mifepriston ngunit hindi sa lahat ng bansa ay mayroon nito. Para makakuha ng Mifepriston , pumunta sa www.womanonweb.org . Karaniwang mabibili ang methotrexate sa botika halos lahat ng bansa.
Ibang indikasyon.
Ang methotrexate ay gamot na ginagamit upang malunasan ang iba't ibang uri ng sakit na kanser, o para makontrol ang severe psoriasis o rheumatois arthtritis. Napatunayang epektibong gamitin ang methotrexate sa paglulunas sa pasyente na nagkaroon ng ectopic pregnancy.
Brand names:
RHEUMATREX, TREXAlL
Ginagamit para maisagawa ang pagaaborsyon :
Ang pagpapalaglag gamit ang kombinasyon ng methotrexate at misoprostol ay mas epektibo kaysa gamit ang misoprostol lamang. Ang methotrexate ay maaaring inumin o iiniksyon sa iyong katawan. Kung makahanap ka ng doktor na maaaring iiniksyon sa iyo ang methotrexate , siguraduhing naglalaman ang methotrexate ng 50mg/m2 at pagkalipas ng tatlo hanggang ikapitong araw ay ipagpasok ng misoprostol sa pinakaloob ng iyon puwerta. Maaari mo ring inumin ang methotrexate (75mg). Karamihan sa methotrexate na tableta ay naglalaman ng 5-10mg lamang kung kaya’t kakailanganin mong lumunok ng maraming tableta. Maaari mo ring lunukin ang likido na nasa loob ng vials na ginagamit sa pag iiniksyon. Pagkalipas ng tatlo hanggang pitong araw ng paggamit ng methotrexate. Kinakailangan mong ipasok ang 800 mg ng misoprostol sa loob ng iyong puwerta
Mga masamang epekto
Dahil ang methotexate ay nakakapagdulot ng malubhang sakit sa atay, hindi dapat gumamit nito ang isang pasyente na alcohilism (lulong sa pag inom ng alak) o may sakit sa atay. Kung habang gumamit man ng methotrexate, hindi ka dapat uminom ng kahit anong uri ng alak. Maaaring mapababa din ng gamot na ito ang resistensya ng katawan ng isang tao, kung kaya’t ang kahit ano mang sintomas ng impeksyon ay kinakailangang ipagbigay alam agad sa isang doctor. Ang pasyente na nagkaroon ng AIDS ay hindi dapat gumamit ng Methotrexate. Ang tuyo at tuloy tuloy na paguubo ay maaaring magbunga ng pagkalason ng baga.
Ang methotrexate ay masasabing mahusay, ngunit maaaring makapagdulot din ito ng matinding pagkalason depende sa dami ng gamot na ginamit. Ang mga kalimitang bunga ng paggamit nito ay pamamaga ng bibig, pananakit ng tiyan, at pagbaba ng white blood cells, ang methotrexate ay maaaring makapagdulot ng matinding pagkalason ng atay at bone marrow kung kaya’t kakailanganin mo ng regular na pagsusubaybay sa iyong dugo (blood test). Maaaring makapagdulot din ito ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pangangati ng balat, pagduduwal, at pagkalagas ng buhok. Ang methotrexate ay lason sa fetus at makapagdudulot ng depekto kung sakaling ipagpapatuloy ang pagbubuntis.
Halaga:
Ang 2ml vial ng 25mg/ml ng methotrexate ay naghahalaga ng mahigit kumulang sa 40USD
Isandaan tableta (100 tablets) ng methotrxate na may 2.5 ml bawat tableta ay mahigit kumulang sa halagang 50USD.
Ang Provera ba (uri ng progesterone) ay makakatulong sa pagwawakas ng pagbubuntis?
Hindi ito makapagwawakas ng pagbubuntis. Ang provera ay hindi naglalaman ng kemikal na makakapag impis ng bahay bata upang mapigilan ang pagbubuntis.
May mga iniiniksyon kaya na makapagwawakas ng aking pagbubuntis?
Ang natatanging iniksyon na makapagwawakas ng pagbubuntis ay ang methotrexate. Kalimitan ang ganitong medisina ay hindi makukuha sa karamihan ng mga bansa kung saan may limitadong paraan ng pag aaborsyon. Sa ibang mga bansa tulad ng Latin Amerika, ang mga pharmasist ay mag aalok sa mga kababihang ng iniksyon para sa hormones, oxytocin, o quinine para mawakasan ang pagbubuntis. Ang mga nasabing iniksyon ay hindi makapagdudulot ng aborsyon at maaaring makasama sa kalusugan ng isang babae. Sa ibang mga bansa lalo na sa Brazil, at sa iba pang parte sa Silangang Amerika, ang ibang websites ay nagbibenta ng iniksyon na ‘RU 486” o “mifepriston”. Ang mga nasabing iniksyon ay peke. Ang mga iniksyon na Mifepriston at RU 486 ay hindi karapat dapat gamitin sa tao. Mag-ingat sa mga ganitong website, sila ay hindi tunay, mapanloko, at maaaring makasira sa iyong katawan at hindi makapagwawakas ng iyong pag bubuntis.
Ang mga parmasiya sa latin amerika ay sina Diana Lara, Katrina Abuabar, Daniel Grossman, Claudia Di’az-Olavarrieta,
Contraception 74(2006)394-399
Anong klase ng tableta na naglalaman ng Misoprostol ang mas epektibo?
Lahat ng klase ay epektibo. Ang pinakaimportante lamang ay kinakailangan ang bawat tableta ay naglalaman ng 200mcg ng Misoprostol(ito ay kinakailangang nakalathala o nakasulat sa pakete ng gamot. Pinapayuhan naming mas makabubuting kumuha ng cytotec kahit mas mahirap makakuha nito kaysa arthrotec at oxaprost. Kung tanging arthrotect o oxaprost lamang ang iyong mahanap, kinakailangan mong makasiguro na hanggat maaari ay naglalaman ito ng mas kaunting diclofenac.
-Cytotec (200µg Misoprostol)
- Cyprostol
- Misotrol
- Gymiso (200µg Misoprostol)
-Prostokos (25µg Misoprostol)
- Vagiprost (25µg Misoprostol)
- Arthrotec 50 or 75 (200µg Misoprostol)
- Oxaprost 50 or 75 (200µg Misoprostol)
Maaari kayang gamitin ang homeopathic (gamot para mabawas ang sakit na nararanasan habang nireregla) kasabay ang misoprostol?
Dahil ang iba sa mga gamot na ito ay maaaring kumontra sa pag papaimpis ng matris, na bumabawas sa pag-epeketo ng misoprostol, pinapayuhan namin ang mga kababaihan na gumamit na lamang ng mga painkillers gaya ng paracetamol, aspirin at diclofenac.
Gaano karami at anong kulay ng dugo angaasahang mawala?
Sa pangkalahatang impormasyon, ang bagong dugo (fresh blood) ay pula, at ang matagal na na dugo ay kayumanggi (brown). Habang sumasailalim sa aborsyon inaasahan na maraming pulang dugo ang mawawala sa isang babae. Kung hindi sigurado sa dami at kulay ng dugo na nawawala sa isang babae, kinakailangan niyang makipagkita sa isang doktor o pumunta sa pinakamalapit na ospital upang makasiguro na ang pagpapalaglag ay nakumpleto.
Maaari kayang gumamit ng misoprostol kung mayroong Chlamydia?
Ang impeksyon na may Chlamydia ay pangunahing dahilan ng pagkabaog at kinakailangang mabigyang lunas bago, pagkatapos o habang ginagamit ang Misoprostol. Kung hindi, ito ay makapagdudulot ng mataas na panganib ng impeksyon sa isang babae na gumagamit ng misoprostol. Ang paggagamot sa taong may Chlamydia ay paginom ng doxycycline 100mg dalawang beses bawat araw sa loob ng pitong araw.
Maaari bang pumasok sa trabaho habang sumasailalim sa pagaaborsyon? Gaano katagal ang pagpapahinga bago bumalik ulit sa trabaho?
Mas makabubuting gamitin ang Misoprostol sa weekend (biyernes,sabado,linggo)para makapagpahinga ng kaunti. Ang pagdurugo ay kalimitang nagsisimula mula ikatlo-ikalimang oras pagkatapos ng unang pag inom ng unang dosage. Inaasahan ang matinding pagdurugo sa mga panahong ito at matinding pananakit na parang pinupulikat, sa ganyang dahilan mas pinapayuhan kang huwag na munang magtrabaho habang ginagawa ang pagpapalaglag. Maaari ka ng bumalik sa iyong normal na gawain sa lalong madaling panahon kung mabuti na ang iyong pakiramdam.
Maaari bang mabuntis agad pagkatapos gumamit ng misoprostol?
Oo. kung kaya’t kinakailangan mo agad gumamit ng mga contraceptive at kailangan ang dobleng pag iingat. Para sa paraan ng pagpigil ng pagbubuntis, pumunta sa www.womanonwaves.org/article-380-en.html
Gaano katagal ang aantayin ko bago ulit puwedeng makipagtalik pagkatapos magpalaglag?
Maaari ka nang makipagtalik sa lalong madaling panahon hanggat sa tingin mong kaya at komportable ka ng gawin ito, ngunit maaari karing mabuntis agad kung kaya’t makabubuti ang dobleng pag-iingat. Para sa ibat ibang uri ng contraceptives tingnan ang www.womanonwaves.org/article-380-en.html.
Maaari ko bang ilagay sa loob ng pwerta at inumin ang misoprostol/cytotec? Epektibo kaya ito?
Pinapayuhan lamang namin ang mga kababihan na ilagay sa loob ng pwerta o ilagay sa ilalim ng dila(hayaang matunaw sa ilalim ng dila sa loob ng 30 minuto at pagkalipas ay maaari ng lunukin ang natira) ang tableta. Hindi nya dapat lunukin ang gamot sapagkat ito ay mas hindi epektibo. Maaari nya ring ipasok ang tableta sa pinaka loob looban ng kanyang matris (sa loob kung saan ang matris ay nagsisimulang makapa). Ang tableta ay hindi umiepekto kung nasa bungad lamang na parte ng ari!!! Ang tableta ay mas mabisa kung basain muna ang mga ito bago ipasok sa pinaka looban ng ari. Kahit papaano ay mas mabisa ito ng mas kaunting porsyento kaysa pag lagay sa ilalim ng dila. Kung ang isang babae ay takot ilagay ang tableta sa loob ng kanyang matris, at nag-aalala na maaaring kailanganin niya ng tulong medikal, maaari niyang ilagay na lamang ang tableta sa ilalim ng kanyang dila. Sa ganitong paraan walang natitirang bahid o parte ng tableta ang makikita.
Maaari bang malaman na gumamit ng misoprostol sa pamamagitan ng pagsuri sa dugo (bloodtest)?
Oo maaari itong matuklasan kung ang doktor ay aktibo sa pananaliksik kaugnay sa kaso ng pagpapalaglag, ngunit ito’ y maaari lamang matuklasan pagkalipas ng ilang oras ng paggamit nito.(walang misoprostol ang maaaring makita na nasa dugo pagkalipas ng labindawalang oras). Ang pagsusuri ay napaka mahal, kung kaya’t hindi ito parte ng klase ng normal na pagsusuri sa dugo.
Paano ko dapat gamitin ang emerhensiyang kontraseptibo (emergency contraceptives)?
Ang mga emergency contraceptives ay maaari lamang gamitin sa loob ng 72 oras pagkatapos ang hindi protektadong pakikipagtalik. May iba’t ibang paraan. Mangyaring pumunta sa ec.princeton.edi/index.html para sa karagdagang impormasyon. Ang website na ito ay mababasa sa Spanish, French, Arabic at English.
Ano ang posibilidad na ang fetus ay magkaroon ng depekto kung ang pagbubuntis ay ipagpapatuloy sa kabila ng paggamit ng Misoprostol?
Pinapayuhan naming ang isang babaeng nagkaroon ng patuloy na pagbubuntis na sumailalim sa isang surgical o medical abortion para mawakasan ang pagbubuntis upang maiwasahn ang pangamba na magkaroon ng malformed fetus.
Ang provera ba (uri ng progesterone) ay nakakatulong upang makapagdulot ng aborsyon?
Hindi ito makakapagdulot ng aborsyon. Ang provera ay hindi naglalaman ng aktibong kemikal upang mapaurong ang matris o mapigilan ang pagbubutis sa ibang paraan.
What is an STI or Sexual Transmitted Infection?
You can get an STI by sexual intercourse but also through oral sex, anal sex or…
How should I use emergency contraceptives?
You can prevent an unwanted pregnancy after unprotected sex by taking Emergency…
What is a medical abortion?
A medical abortion uses a medicine or a combination of tablets to cause the non
Is it difficult to use Misoprostol by yourself?
No. You can take Misoprostol on your own. Using Misoprostol is no more…
Paano gamitin ang misoprostol?
Kinakailangan ang isang babae ay bumili ng mahigit kumulang sa 12 tableta ng…
Which brand of misoprostol should I use and can different brand names can be used together?
Misoprostol alone has the following brand names: Cytotec (200µg Misoprostol…
Which type of pill containing Misoprostol is the most effective to cause an abortion?
All brands are effective. The most important thing is that the pills contain…
I am more than 12 weeks pregnant and can travel; where can I find clinics that can help?
Late abortions are available in the following countries:
Can Misoprostol be used if you have Chlamydia?
An infection with Chlamydia is one of the main causes of infertility and must…
Are there injections that could end my pregnancy?
The only injection that can successfully end a pregnancy is methotrexate. This…
What is Methotrexate?
Methotrexate can be used to induce an abortion in combination with Misoprostol…
Do antibiotiocs have an effect on the contraceptive pill and/or Misoprostol?
Antibiotics can diminish the effectiveness of the contraceptive pill as it may…
Does Provera (a progesteron) help to induce an abortion?
No it does not. Provera does not contain a working substance to make the womb…
How do you know if you are pregnant and how long you have been pregnant for?
Most women determine that they are pregnant if they are sexually active and…
How many weeks into your pregnancy can you do a medical abortion?
You can do a medical abortion at home until the 12th week of your pregnancy.
I've been pregnant for more than 12 weeks. Can I still use Misoprostol?
Misoprostol still works after 12 weeks of pregnancy. However 4% to 8% of women…
What if you are not pregnant but take the medicines anyway?
Your health will not be harmed if you are not pregnant but take the medicines…
What if you have a RH - bloodtype?
Usually doctors advice women who have an (surgical) abortion or miscariage or…
What is a contraindication and how do you know if you have one?
Contraindications are conditions or situations might keep you from being able…
What is an ectopic pregnancy and how do you know you have one?
An ectopic pregnancy is a pregnancy that grows outside the womb, usually in a…
Can I have an abortion if I have an IUD?
An IUD is a contraceptive, a small coil of about 3 cm inserted by a doctor into…
Why shouldn't you be alone when you do a medical abortion and what if you do it alone anyway?
You are strongly advised to use the medicines in the presence of someone you…
Why should you be within 60 minutes of a hospital or first aid centre when you do the abortion?
It is absolutely necessary to be within one hour of help, in case you lose too…
What painkillers can you use?
NSAID's like Ibuprofen, Diclofenac and Naproxen are the most effective…
Can (homeopathic) medication that decreases menstrual pain be used with Misoprostol?
Because some of these medications might counter the contractions of the womb…
How should you use Misoprostol (cytotec)?
You will need 12 pills of misoprostol, 200 micrograms (mcg) each.
Are there other ways to use the Misoprostol?
We strongly advise you to use Misoprostol under your tongue. This way, no…
Can you use Misoprostol if you are still breastfeeding?
It is better not to breastfeed during the first 5 hours after taking…
Is it safe to have a medical abortion if you've already had one in the past?
Women are fertile for about 40 years. Some women need more than one abortion…
Can I take part of the Misoprostol/Cytotec orally and part vaginally. Is this effective?
We strongly advice women to use Misoprostol under the tongue (dissolve under…
Can you eat or drink while you are taking the medicines?
You should not drink any alcohol or use drugs, as it can affect your judgment.
When will you start bleeding and how long will it last?
After using Misoprostol you should expect bleeding and cramps. Bleeding usually…
Can you go to work while doing the abortion? For how long must you rest before returning to work?
It is best to take Misoprostol on the weekends or when you can rest for a bit.
I took the first dose of Misoprostol and started bleeding. Should I take the next doses?
Yes, you must take the next doses, despite the blood loss. Scientific research…
How much and what colour is the blood loss?
The general rule is that fresh blood is red and old blood is brown. While…
Can you see the products of the abortion (placenta, embryo, blood) and what should you do with them?
Most of the time women can see blood and tissue in their sanitary napkin or in…
What are the side effects of Misoprostol?
The medical abortion normally causes side effects such as pain and cramping, as…
I've used Misoprostol a few days ago and I'm still in a lot of pain. Is this normal?
If the treatment was successful, you should no longer have any pain, just blood…
I've used Misoprostol but the pregnancy test is still positive. What should I do?
Sometimes, pregnancy test are still positive 3 or 4 weeks after the abortion
What is a complete, successful abortion and how do you know you've had one?
A complete abortion means that the body has expelled all the products of…
How do you know if you have complications and what should you do?
If performed in the first 10 weeks, a medical abortion carries a very small…
How do you know if you have a post-abortion infection?
Infections following medical abortions are very rare. If you feel weakness
How do you know if you have an incomplete abortion?
An incomplete abortion is an abortion that has only been partially successful.
What is a curettage/vacuum aspiration and is it necessary after medical abortion?
Vacuum aspiration (MVA)is a surgical intervention to remove the contents of the…
Can Misoprostol be detected in a blood test?
Misoprostol disappears from the blood after 12 hours, and it does not show up…
How do you know if you have a continuing pregnancy?
Continuing pregnancy is a pregnancy that continues to develop even after the…
What are the chances that the fetus will be malformed if you have an ongoing pregnancy?
If you have an ongoing pregnancy after using Misoprostol, the risk of having a…
Do you need to have an ultrasound after doing a medical abortion?
If you do not have symptoms of a complication, it is not necessary to have an…
How long will it take before Misoprostol will have effect and for how long will symptoms (bellyache, nausea, blood loss etc.) last?
In most cases Misoprostol will have an effect within 4 hours and you will start…
I used Misoprostol; bleeding is like during menstruation. Should I go to the hospital?
You do not have to go to a hospital, but you should get an ultrasound or do a…
Can you get pregnant again immediately after using Misoprostol?
Yes. You must immediately start taking precautions. For contraceptive methods…
Does medical abortion increase the risk of breast cancer?
No, having an induced abortion does not increase a woman’s chance of developing…
How long must you wait before starting to have sexual intercourse again after the abortion?
It is best to wait 4-7 days after taking the Misoprostol to have sexual…
Is a medical abortion dangerous?
Medical abortions performed in the first 12 weeks of pregnancy have a very low…
Will you be able to get pregnant and have children after a medical abortion?
A medical abortion does not affect your ability to conceive or bear a child in…
When can you get pregnant again after having a medical abortion?
Although it may be several weeks after your abortion before you get your…
How can you prevent a future unwanted pregnancy?
About 85% of sexually active women who do not use contraceptives become…
Do I have an infection?
Do I have an infection? A fever could indicate that you have an infection. If…
How to do a Medical abortion in Morocco
In Morrocco, women can get 30 tablets artotec in the pharmacy for 100 dirhams.
Warning, fake abortion pills for sale online!!
There are a lot of websites that pretend to be partners of Women on Waves